Ed s.
Gusto ko nalang maka graduate na agad ng college tapos makapagtrabaho para mabili ko na mga gusto ko. Hahahaha
“Ang bestfriend daw e yung mga nakalimutan ng Diyos na gawing kapatid natin.”
Siguro nga. Siguro nga sila yung taong yun. Masaya magkaron ng bestfriend. Yung magkapatid turingan nyo. Pero, nirerespeto nyo pa rin ang isa’t-isa. Sweet kayo, kasi magbestfriend kayo. Yung titingin ka lang sa mata nya e, alam mong may problema sya.
Pero, pano kung yung tinuturing mong bestfriend e iniwan ka na? Bestfriend pa rin ba ang tawag mo sa kanya?
Mahirap ituring yung bestfriend mo na bestfriend kapag, di ka na nya kinakausap. Kapag, di na sya nagpaparamdam. Kapag, feeling mo, parang wala ka na sa kanya. Magdadalawang isip ka kung bestfriend ka pa rin ba nya, dahil sa mga ikinikilos nya. Masasaktan ka. Ttry mo syang kausapin kung okay lang ba ang lahat pero, di sya sasagot. Hanggang sa sumuko ka na.
Paulit-ulit lang yung nangyayari, hanggang sa mawala. Hanggang sa magfade yung “best” sa “bestfriend” at maging “friend” na lang. Mahirap mawalan ng bestfriend kasi, sila yung kapatid natin na nakalimutan ibigay ng Diyos. Pero, may mga bagay talagang hanggang dito na lang. May mga bagay talagang natatapos at kahit ipaglaban mo, biglang nawawala.
Ang cute. Hahaha